† MEMBERS AREA

K! Chikahan

  † Anong Latest?
<<  November 2008  >>
 M  T  W  T  F  S  S 
       1  2
  3  4  5  6  7  8  9
10111213141516
17181920212223
24252627282930




PROPHECY FOR THE PHILIPPINES - August 2008

by Prophet Cindy Jacobs(Courtesy of Intercessors for the Philippines) THE NEXT TWO YEARS EXTREMELY SIGNIFICANT You know I love you Philippines. I want you to pray, the next two years, the Lord is showing me, are going to be extremely significant for the Philippines. You're kind of on the cusp of re-civilization,...

Read more...

 
 

  • Kristiyanong Pinoy
  • Kristiyanong Pinoy
  • Kristiyanong Pinoy
  • Kristiyanong Pinoy
  • Kristiyanong Pinoy
  • Kristiyanong Pinoy
   SEARCH
   VERSE OF THE DAY


Astig Ka!

Pleasant Disruption
Sometimes we plan plan our lives so well and any deviation from the plan gets us disappointed. But when God is the one who disrupts our plans, it will certainly turn out for the good.  Read on

FEBC Live!

Tugtugan Na!

(K! Pinoy Player)

 


Home arrow Articles arrow Articles arrow Literary: 'STIG!!
Literary: 'STIG!! E-mail
(0 votes)
Wednesday, 06 August 2008
by Mary Anne Sunga
 

'stig kung paanong ang mga ulap

ay kayang lumutang sa alapaap,

nilulukuban ang mundo mula

sa matinding init ng araw.

akala mo magaan,

ang totoo'y buntis ito ng tubig-ulan.

maya-maya lang ay mag-uunahang

bumagsak mga patak ng ulan.

at guguhit sa itaas ang kidlat na galit

hah, ilang sandali lang, liliwanag na ulit.

at mula sa mga patak ng ulan

sasabog ang iba't ibang kulay,

pula, asul, dilaw..hayun ang bahaghari!

 



'stig kung paanong akala mo'y bubuhos

ang tubig-dagat sa abot-tanaw

mula sa pagdaong nito sa dalampasigan

kung saan ang mga hermit crabs ay nagpapalitan

ng shells na iba't ibang kulay, iba't ibang laki,

nakabilad sa kumikislap na buhangin.

mula dito'y panoorin ang pag-akyat ng araw

hanggang sa itaas, sinag hindi na matitigan.

mahiyaing sumilip sa dulo ng dagat,

ito sa kabilang panig ay mamamaalam.

wala na ang araw, pinalitan na ng mga bituin,

habang sa kabilang hati ng mundo, umaga'y batiin.

 



'stig kung paanong mga ugat sa katawan

'pag pinagdugtong-dugtong

kayang libutin bilog na mundo.

o ang dalawang binhi sa sinapupunan

magiging isa, at sa siyam na buwan

ganap na tao ang iluluwal.

o ang pagbuo ng alaala ng iyong isip

habang mga mata'y nakapinid at ika'y idlip.

'stig kung paanong lahat ng ito'y

naisip ng nag-iisang matalino,

iplinano sa Kanyang puso,

ginawa ng Kanyang kamay,

bawat detalye, bawat sukat, bawat buhay.

 



'stig kung paanong lahat ay nalalaman Niya,

hangarin ng puso, bilis ng paghinga at

bilang ng iyong buhok.

'stig kung paanong ramdam Niya ang lahat,

kilig ng nililgawan, ligaya ng bagong tatay,

maging lumbay ng mapag-isa.

ang hindi mo kayang sabihin, kaya Niyang dinggin.

ibugtong-hininga mo lang,

alam na Niya ang gagawin.

 

'stig kung paanong lahat ng ito'y naisip Niya,

iplinano sa Kanyang puso,

ginawa ng Kanyang kamay,

bawat detalye, bawat sukat, bawat buhay.
Only registered users can write comments!
+/- Comments
Search

3.26 Copyright (C) 2008 Compojoom.com / Copyright (C) 2007 Alain Georgette / Copyright (C) 2006 Frantisek Hliva. All rights reserved."

 
PROPHECY FOR THE PHILIPPINES - August 2008

Wednesday, 29 October 2008 | Riza Olaguer

article imageby Prophet Cindy Jacobs(Courtesy of Intercessors for the Philippines) THE NEXT TWO YEARS EXTREMELY SIGNIFICANT You know I love you Philippines. I want you to pray, the next two years, the Lord...
+ Full Story

The RH Bill from A Biblical Viewpoint

Wednesday, 29 October 2008 | Riza Olaguer

article image by Melissa APolinario-Poblete DMD MHPEdHave you ever wondered how you, as a Christian, should react toward the Reproductive Health (RH) Bill?Psalm 119:133 says, "Direct my footsteps according...
+ Full Story

Another Articles



© 2008 Kristiyanong Pinoy    Terms and Condition