† MEMBERS AREA

K! Chikahan

  † Anong Latest?
<<  November 2008  >>
 M  T  W  T  F  S  S 
       1  2
  3  4  5  6  7  8  9
10111213141516
17181920212223
24252627282930




News: Filipinos Spearhead Historic Ring of Fire Convergence

Over two thousand delegates from different Christian churches in Asia and other continents gathered from August 19-21, 2008 to participate in the 'historic' and 'very first' Ring of Fire Convergence which was held in Indonesia.  The majority of foreign delegates came from Malaysia, Philippines, Thailand, and Singapore.  Delegates from Hong Kong/China, USA, Australia, Israel, and...

Read more...

 
 

  • Kristiyanong Pinoy
  • Kristiyanong Pinoy
  • Kristiyanong Pinoy
  • Kristiyanong Pinoy
  • Kristiyanong Pinoy
  • Kristiyanong Pinoy
   SEARCH
   VERSE OF THE DAY


Astig Ka!

Pleasant Disruption
Sometimes we plan plan our lives so well and any deviation from the plan gets us disappointed. But when God is the one who disrupts our plans, it will certainly turn out for the good.  Read on

FEBC Live!

Tugtugan Na!

(K! Pinoy Player)

 


Home arrow Articles arrow Articles arrow Pilipino, Paano Ka Uunlad?
Pilipino, Paano Ka Uunlad? E-mail
(3 votes)
Monday, 07 July 2008

dcercado.tk Pilipinas, isang bansa na marami ang humahanga dahil sa mga taglay nitong kagandahan. Ngunit dahil sa mga masasama at halu-halong motibo ng mga pulitiko sa gobyerno, unti-unti nitong hinahatak ang ekonomiya ng Pilipinas pababa. Ano nga ba ang solusyon sa mga problemang ito? Tanging ang pagbabalik-loob sa Diyos ang susi tungo sa kaunlaran.

 

Bakit pagbabalik-loob sa Diyos? Una, pinagpapala ng Diyos ang bayang pinararangalan Siya. Nakasaad sa Awit 33:12,“Mapalad ang bansa na ang Diyos ay ang Panginoon.” Itinakda ng Diyos na lahat ng bansa at ang mga tao rito ay mahalin at kilalanin Siya bilang Panginoon, kung saan ang Diyos ay tunay at lubos na nagagalak. Pangalawa, ang Diyos ang may kapangyarihang humatol sa lahat ng nakapailalim sa Kaniyang kaluwalhatian. Mababasa rin sa Biblia mula sa kasaysayan ng Israel kung paano hinahatulan ng Diyos ang iba’t ibang bansa - pagpapala o pagpaparusa man. Ang lahat ng ito ay nagpapatunay at nagpapakita na ang Diyos ang tagapaghusga sa buong mundo, kasama na rin ang Pilipinas. Pangatlo, sa kabila ng lahat ng kasalanan na ginawa sa Kanya ng buong mundo, Siya ay isa pa ring Diyos na maawain, at nagbubukas ng pintuan para sa pagbabago. Ang mga ito ang dahilan kung bakit pagbabalik-loob sa Diyos ang tanging paraan tungo sa kaunlaran.

www.dcercado.tkPapaano magbalik-loob sa Diyos? Nakasaad sa II Cronica 7:14, “Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay mapagkumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipapatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.” Una, kailangang magpagtantuan at aminin ng lahat ng Pilipino na sila ay nagkasala sa Diyos. Sa pagkakaunawang ito, kailangang sumunod ang desisyon na gawin ang lahat ng makabubuti sa bansa, mahirap man, na hindi lumalabag sa kalooban ng Diyos. Hindi nagtatapos ang lahat sa desisyon, kailangan din na ang lahat ng ito ay malagyan ng aksyon. Sa pagbabalik-loob sa Diyos, dapat ay mga Kristyano ang manguna at maging mabuting halimbawa sa lahat. Ang pagpapanauli ng katuwiran at katarungan ay isa ring sangkap sa pagbabalik-loob sa Diyos. Nakasulat sa Awit 97:2, “…katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan.” Kaya kung magkakaroon ng katuwiran at katarungan sa Pilipinas, maghahari ang Panginoon. Ang isa pang halimbawa upang mapatunayan na kailangan ang katuwiran at hustisya ay nakasaad sa Kawikaan 14:34, “Ang katuwiran ay nagbubunyi ng bansa: ngunit ang kasalanan ay kakutyaan sa alinmang bansa.” Ang huli at ang pinakamahalaga sa lahat ay dapat malaman at kilalanin ng lahat ng Pilipino na ang Diyos ang tanging daan para sa muling pag-unlad ng Pilipinas. Ang lahat ng ito ay paraan upang magbalik-loob sa Diyos.

www.dcercado.tkAno ang magiging bunga ng pagbabalik-loob sa Diyos? Unang-una, ito ang magdudulot ng kagalingan sa bayan mula sa pagkalunod nito sa kahirapan at kasalanan. Pangalawa, ang mapagpalang kamay ng Panginoon ay muling hihipo sa Pilipinas at ang biyaya na nagmumula sa Kanya ay muling mag-uumapaw, hindi lamang sa Kanyang mga anak, kundi pati na rin sa buong Pilipinas, tulad rin ng nakasaad sa Kawikaan 10:22, “Ang pagpapala ng Panginoon ay nagpapayaman.” Ang tunay na kalayaan at kaunlaran ay makakamtan ng Pilipinas kung lahat ng Pilipino ay magbabalik-loob sa Diyos.

Totoo nga! Tanging pagbabalik-loob sa Diyos ang susi tungo sa kaunlaran dahil Siya ay maawain at mahal niya ang lahat ng Kanyang nilikha. Ang tanging paraan upang magbalik-loob sa Diyos ay pagsisisi at pagkakaroon ng katuwiran at katarungan. Bibiyayaan ng Panginoon at magkakaroon ng tunay na kalayaan ang bayan kung magbabalik-loob ang lahat. Kaya’t magbalik-loob na sa Diyos at nang maging maunlad muli ang bansang Pilipinas.

 


 

By Randy M. Valdez

Randy M. Valdez is a student of Jesus’ Flock Academy in Marikina City. This essay was written as an entry for the Filipino Essay Writing Category in the 14th School of Tomorrow National Student Convention.

Photos courtesy of Dan Cercado. You may visit his website at dcercado.tk.

Only registered users can write comments!
+/- Comments
Search
johnestallo  - Great!   |Registered |2008-08-01 04:18:29
Hi Randy,

God bless you and your family!

I would like to commend you for
writing the article, "Pilipinas, Paano Ka Uunlad?". You just simply hit
the bull's eye with your article.

I would like to invite you and your
like-minded friends on August 9, 1-5pm for a free seminar about Christian youth
leadership and management. It will be held on the 20th floor of Strata2000
Building, Ortigas Center, Pasig City. Feel free to contact me at 0906 281
5677.

After the seminar, let's have some talk on how to make our thoughts
into actions, our ideas into reality.

There is so much to be done for our
country and the youth has a lot of time to do it.

Let's get it on.

3.26 Copyright (C) 2008 Compojoom.com / Copyright (C) 2007 Alain Georgette / Copyright (C) 2006 Frantisek Hliva. All rights reserved."

 
PROPHECY FOR THE PHILIPPINES - August 2008

Wednesday, 29 October 2008 | Riza Olaguer

article imageby Prophet Cindy Jacobs(Courtesy of Intercessors for the Philippines) THE NEXT TWO YEARS EXTREMELY SIGNIFICANT You know I love you Philippines. I want you to pray, the next two years, the Lord...
+ Full Story

The RH Bill from A Biblical Viewpoint

Wednesday, 29 October 2008 | Riza Olaguer

article image by Melissa APolinario-Poblete DMD MHPEdHave you ever wondered how you, as a Christian, should react toward the Reproductive Health (RH) Bill?Psalm 119:133 says, "Direct my footsteps according...
+ Full Story

Another Articles



© 2008 Kristiyanong Pinoy    Terms and Condition